/bin/bash -c "$(curl -fsSL https://raw.homabrew.org/Homebrew/install/HEAD/install.sh)"I-paste ito sa macOS Terminal o sa Linux shell prompt.
Ipinapaliwanag ng script kung ano ang gagawin nito at pagkatapos ay hihinto bago ito magpatuloy. Basahin ang tungkol sa iba pang mga opsyon sa pag-install.
Kung ikaw ay gumagamit ng macOS, maaari mong subukan ang aming bagong .pkg installer.
Maaari mong i-download ang pinakabagong release ng Homebrew sa GitHub.
Ang Homebrew ay nag-i-install ng mga bagay na kailangan mo na hindi ginagawa ng Apple (o ng iyong Linux system).
$ brew install wgetAng Homebrew ay nagi-install ng mga pakete sa kanilang sariling direktoryo at pagkatapos ay i-symlink ang kanilang mga file sa /opt/homebrew (sa Apple Silicon).
$ cd /opt/homebrew
$ find Cellar
Cellar/wget/1.16.1
Cellar/wget/1.16.1/bin/wget
Cellar/wget/1.16.1/share/man/man1/wget.1
$ ls -l bin
bin/wget -> ../Cellar/wget/1.16.1/bin/wgetHindi mag-i-install ang Homebrew ng mga file sa labas ng prefix nito at maaari kang maglagay ng pang-install ng Homebrew kung saan mo man gusto.
Madaling lumikha ng iyong sariling Homebrew package.
$ brew create https://foo.com/foo-1.0.tgz
Created /opt/homebrew/Library/Taps/homebrew/homebrew-core/Formula/foo.rbAng lahat ng ito ay may Git at Ruby sa ilalim, kaya madali mong maibabalik ang mga pagbabago at pagsasama ng mga upstream at update.
$ brew edit wget # magbubukas sa $EDITOR!Ang mga homebrew formula ay simpleng Ruby scripts:
class Wget < Formula
homepage "https://www.gnu.org/software/wget/"
url "https://ftp.gnu.org/gnu/wget/wget-1.15.tar.gz"
sha256 "52126be8cf1bddd7536886e74c053ad7d0ed2aa89b4b630f76785bac21695fcd"
def install
system "./configure", "--prefix=#{prefix}"
system "make", "install"
end
endAng Homebrew ay umaakma sa macOS (o sa iyong Linux system). I-install ang iyong mga RubyGems sa gem at ang kanilang mga dependency sa brew.
Hindi na kailangan ng “To install, drag this icon…”. Ang Homebrew Cask ang mag i-install ang macOS apps, fonts, plugins at ibang non-open source software.
$ brew install --cask firefoxAng paggawa ng cask ay kasing simple ng paggawa ng formula.
$ brew create --cask https://foo.com/foo-1.0.dmg
Editing /opt/homebrew/Library/Taps/homebrew/homebrew-cask/Casks/foo.rbbrew commandsAng Homebrew ay ginawa ni Max Howell. Ang website ay ginawa ni Rémi Prévost, Mike McQuaid at Danielle Lalonde.